Anonymous asked: So.... bakit?

ang tanong na ito ay kadalasan bunga ng isang pagkukulang sa kaalaman, karanasan, o sa nararapat na lohika o balangkas-isip upang intindihin ang isang sitwasyon. minsan ang pagkukulang ding ito ay lumalalim at nagiging isang karanasan ng pagkasawi o pagkawala. dahil sa mga karanasang ito, nagkakaroon ng udyok na magtanong ng mga epistemolohikal, eksistensyal, at teolohikal na tanong, na siyang nakapagbibigay linaw sa ating mismong sarili at sa iba.